Sunday, November 6, 2011

Travel Back Series - The Pilot Post :)

Petiks week ang first days ng November. Ang super haggard weeks of hardcore SAS coding ay napalitan ng hardcore StubleUpon-ing at blog hopping :) Kaya naman na-inspire na naman ako. As you can see, super active ko mag blog since 2010! Like matatapos niyo basahin lahat ng posts ko in 15 minutes. hahaha. :)

Let me tell you a PBB-ish story. Nung bata pa ako, never akong nakasama sa field trip nung Grade school. Once nung High school and mga twice nung College. Improving da ba? haha. Basta pag nagmamaktol na ako nun sa papa ko kase hindi ako kasama sa field trip, sasabihin niya saken, "paglaki mo mas magaganda pa mapupuntahan mo" tapos nun, hindi pa rin ako OK. haha. Looking back, convinced na talaga ako na ang galing ng tatay ko! hehehe :)

Why Travel Back? E kase wala akong most recent and future travels this year, kaya aligaga ako. Yung buhay na nunal ko sa talampakan, kating kati na! haha. On a serious note, gusto ko lang ng constant reminder of how blessed I am as a frustrated and poor traveler. Contrary to popular belief of some of my facebook family and friends, hindi po ako mayaman. I am still very far from being big time. Wala kayong alam kung gaano ako naghihirap. Kaya wag niyo na akong uutangan! hahaha. :)

So, this is the start of my lucky travel stories. Sana talaga mapanindigan ko to!



1 comment: