Sunday, June 3, 2012

NKOTBSB Night!




One of the moments that I feel really happy is when I experience something that reminds me of my childhood. Like pag nakakakita ako ng old school sari-sari store food, Disneyland, ligo sa ulan, and yes, Backstreet Boys concert!

Thanks to facebook timeline at nahalukay ko ang status update na 'to 2 years ago. :) Sobrang surreal ng feeling in both concerts <3


BSB Live in Manila, Feb. 27, 2010, Araneta Coliseum


After 2 years since I first saw them live, nakita ko na naman ulit sila tonight! :) Buti na lang may purchasing power na ako at kaya ko ng bumili ng concert tickets! Mga grade 3 or 4 ako nung sikat na sikat sila at wala pa akong pambili ng album 'nun kaya iniintay ko lang magplay sa FM yung kanta nila tapos irerecord ko sa cassette na nilalagyan ko pa ng scotch tape yung butas sa ibabaw para recordable ulit siya. hahaha, tapos nung nag concert sila nung college ako, tumawag pa ako sa mga FM contests para manalo ng tickets! Ang hirap pag hindi ka spoiled nung bata! So, deprived ako sa mga ganyang luho dati, kaya bawi ako ngayong sumusweldo na ako. hehe. 




This time, kasama nila ang New Kids on the Block na sumikat daw around 1989 so kamusta naman, wala akong alam na kanta nila, ay meron pala, pero alam ko lang dahil ni-revive ni Aaron Carter, yung "Please don't go girl" ala Joey McIntyre na mas na-LSS pa ako kesa sa I want it that way.


ayan na silaaaaa omygosh Briaaaaaan!!! I love you!!! <3
parang nung concert nila last time, sobrang kulit ni Brian kung makakaway sa fans. :)
Joey McIntyre! Buong time iniintay kong kantahin yung Stay the Same hahaha. Ang cute niya! :)
Howie D! na back up pa rin ni Kevin sa bridge ng I want it that way
MY FAVORITE BACKSTREET BOY FOREVER AND EVER AND EVER AND EVER!!!
BRIAAAAAAN!!! :)
Ito yung time na mamimili sila ng girls sa audience, tapos "Call me maybe" yung background song, ang cute at kulit nila habang nili-lip sync yung kanta! :)


ang ganda nung nakuha ni Nick, sobrang composed. at ang hot ni Nick habang sinasayawan yung girl!

ang swerte mo lintek kaaaaa!!! ;p



AJ! My second favorite! :) Ang galing niya! The best thing I love about their concerts is how they sing their hits the same way as they sang it before. As in pati yung kulot, second voice at Oh-oh. I don't mind kung recorded man yung supposedly live performance para lang maging plakado yung pagkakakanta. Nakakadagdag siya sa nostalgia :) Sabi nga ng isang member ng NKOTB, it feels like 1989 again! In BSB's case, it felt like I was 10 years old all over again! :)


Si Jordan Knight naman pala ang peg ni Marcelito Pomoy! Fuma-falsetto! Pero ang cute niya! Kung may isip na siguro ako nung sumikat sila, siya ang favorite ko :)



Cutie Patootie with very huge biceps. Akalain mong lumaki siya ng ganyan, hahaha :)
 Aaaaaaw, tapos na :( and they kept on telling that there's no better place to end their world tour but here! :)


Si Joey yung naka leopard tights. Nakaganyan din si AJ nung start ng show. hahaha :)



A few weeks back, nabasa ko yung how to find your one true love book ni Bo Sanchez, sabi niya dun, dapat may non-negotiable and negotiable checklist ang mga girls in finding their one true love, I already have some in my mind pero may nadagdag ako sa "Negotiable" :) Pag 40 years old na ako tapos mag concert sila ulit dito, sana yung asawa ko by then willing akong samahan at gastusan yung VIP ticket ko. hahaha. :) 


'til your next concert loves!!!


saka may naisip na rin ako na ilalagay sa lapida ko

Princess Ramirez 1985 - 20XX
Loving mother, wife, daughter and Backstreet Boys fan

:)


While writing this post, nakikinig/nanonood ako ng videos na kinunan ko during the NKOTBSB concert, ok sana e, hindi shaky yung hands ko, in fairness HD, kaso ang lakas ng boses ko na kumakanta ng pasigaw at monotone ng BSB songs. At may sumisingit pang sigaw na "Briaaaaaaaaa-haaaaaaa-haaaaaan". Hahaha. So, hindi siya magandang i-share. ;)


No comments:

Post a Comment