Time for Part 3! Yey! (pero hindi ako petiks, wala lang ako sa mood magtrabaho nang magtrabaho ;p)
I am jologs. A happy jologs :)
Sorry to disappoint, but not this kind. Jejeje, ay, Hahaha pala ;p
Jologs according to Urban Dictionary:
- Derived from the combined words daing (salted fish), tuyo (a type of dried fish) and itlog (egg). Dyolog then became Jolog, a term for someone who is tacky, but implied in a more negative tone and often referred to people who belong to the lower class of society
- "Baduy", "skwating"
- Someone who likes Jolina Magdangal
- Jolina Organization
- Someone from the lower class of society who tries to be cool but ends up a failure and in turn becomes a "jolog"
- Anything or anyone associated with things that are "pang-masa"
Most naman ng pagiging jologs ko ay associated sa local showbiz. Siguro dahil wala na rin kaming cable channels since high school, never na ako na - expose sa mga American Shows, pagkakaalala ko 7th Heaven pa yung huli kong pinanood na show na nag-eenglish. Ako yung tipo na gusto mong maging teammate sa mga "Panahon ko 'to" level ng quiz shows (alam ng teammates ko yan sa IHG hahaha). Kilala ko si Erica Fife kahit mata lang ang ipakita! (inside joke) hahaha
These are the jologs things that make me happy. :)
Radio Jokes and DJs
Idol ko si Papa Jack at hindi ko masakyan si Mo Twister. Tawang tawa ako sa mga knock knock jokes at Tototot ng Yes FM. Hahahaha. Well, napapakinggan ko lang naman sila sa aking 4-hour commute everyday. (defensive) hahahaha. Next.
Eat Bulaga
Kahit Kapamilya ako, at papapiliin lang ako ng isang channel, mas gugustuhin ko matira ang Channel 7 for Eat Bulaga. Bentang benta yung mga oven toaster with cooler jokes nila Jose at Wally! Hahahaha. Try niyo maging mababaw minsan, hehe :)
Local Romantic Comedy aka Star Cinema Films
Aminin niyo, kahit Manager na kayo ng isang prestigious bank sa Makati iniintay niyo pa rin bagong movie ni John Lloyd at Sarah ;p Ang haba lagi ng pila sa Glorietta at Greenbelt sa first day of showing. hehehe :)
Asianovelas
Ok, hindi to masyadong local pero pwede na rin kase tagalized. Wala akong alam sa mga How I met your mother. hehe. Mas napopogian ako sa mga Asian na bida at mas kinikilig sa more conservative love stories. hihihi :p
Encounter with any celebrity
Ito yung mga moments na ipagkakalat ko sa lahat ng kilala ko. Kahit simpleng twitter reply lang kinikilig na ako. Paano pa pag ganito. ;p
No comments:
Post a Comment