Bundok ba ang Mt. Pinatubo? If yes, e di palitan natin ng My Second Mountain ang title. Pero ang level of difficulty ng pag-akyat sa Mt. Pinatubo ay 1/10 lang ng Pico de Loro. Mygaaaaaaaaad. Buwis-buhay! Hahahaha.
For someone like me na napaka minimal ng adventure sa buhay, milestone na ang pag-akyat ng bundok. Parang nung naglalakad na kami pababa, sabi nung isa sa kasama ko, pag may taong nagsabing mahihinang babae kame, sampal ang aabutin. Wala kayong alam! Wala kayong alam sa pinagdaanan naming hirap! Hahaha :)
Kahit lampa ako since birth, nangangarap din naman akong makagawa ng konting physical adventures. Hindi naman ako papayag na maganda at matalino lang ako, hindi na nga ako sporty e, tapos duwag pa ako? Hahahaha :) So nung may nagyaya sa office ng hike, game! Go for the gold! :)
Meet the team :) Ayan sa kakasabit ko sa mga totoong photographers at models, kung saan saan ako nakakaladkad, nandamay pa ako ng 2 teammates :) Ms. Friendship lang ang peg.
|
photo c/o Pinkboi na nameet namin sa base camp :) |
Nag attempt akong magpicture ng mga wild flowers, sapot, etc. sa trek, but no, di keri, pawis at akyatan sa bato galore! Itago ang camera.
Nag research ako bago ako nagdecide na tumuloy, sabi sa mga blogs na nakita ko, 3 out of 9 lang ang level of difficulty, tapos 1.5 hours lang nasa summit ka na. So keri naman. Reresbakan ko nagsulat ng blog na yun! Hahaha. 9:30 kami nagstart tapos around 1 na kami nakarating sa taas. 1.5 hours?!?!?! Well, hinto kasi kami ng hinto for tubig and jelly ace breakssssss. ;)
|
In fairness! Naappreciate namin ang tulong ng jelly ace. Bale may 5 packs kaming dala. hehe *photo by Rizza |
|
|
Ito na ang pinakamasarap na Gatorade na natikman ko *photo by Nicole |
Ito mga matitinong lakaran pa...
|
*photo from Rizza's camera |
|
*photo from Rizza's camera |
Fresh na fresh na nag lunch, nakalimutan ko lang mag lipstick. Akala ko yan na yung summit. Nakailang "5 minutes na lang" yung kasama namin. Sarap kutusan. hahahaha ;p
|
*photo by Rizza |
|
itlog na pula for lunch |
Ang mga susunod na pictures ay nakakawala ng dangal, bawal i-share at bawal ako i-judge, OK? :) Paakyat na yan ng summit. *photos from Arby
|
Itutuloy ko pa ba 'to? |
Grabe may mga times na feeling ko dadausdos na ako pababa pag may ginalaw ako sa isa sa mga kamay or paa ko. Ang dulas! Levels! Tapos tingin ka sa right or left, bangin! Nakakawala ng bait. Tapos yung mga boys nakatayo lang o. Nakakahiya. Hahaha.
Ayan hinihila na ako ni Kuya Jon. Konti na lang!
Salamat naman Arby sa napaka-flattering ng shot. Hahaha. Yan yung moment na gusto ko ng bumaba tapos hindi na ako makakita kase yung mata ko puro pawis na, Thanks so much to Kuya Jon for saving my life! hahaha. Hinila niya na ako niyan tapos run kame hanggang tuktok. Nakakatakot! Hahaha :)
Wooooohooooo I made it!
|
ayan, may gantong version din ako sa Grand Canyon, pero mas nakakatakot to. |
|
syempre dapat may photo op din ang sapatos ko ;) |
Thanks to Nics and Kimmy for taking my pictures!!! :) In fairness fresh na fresh, parang wala akong pinagdaanang hirap ;)
|
thanks to Vince for taking this shot |
Group shots c/o Arby. Syempre ang panget ko na naman mag jump shot.
Bago pala naganap ang pagpipicture, medyo matagal-tagal muna akong nakaupo at nag iisip kung ano ba tong napasok ko. Traumatized ako niyan.
Padumihan ng kuko.
Ang title ng email thread namin for this trip ay "Photo Walk" na Photo Climb naman pala. Haha. May time na ayoko na talaga mag picture, wala na akong energy! Pero nung nahimasmasan na ako, at nakatayo na ako finally, ang ganda talaga! Ang galing ni Lord! :) Dahil sa view, gusto ko pang umulit, pero sana lampasan na ang hike at buwis buhay part, yaya, pakilabas ang helicopter. hahaha :)
Nakakainggit! Pinangarap ko rin makaakyat (at magpapicture) diyan, kaso hindi ko na talaga keri, baka hindi ko na masulat tong blog na to ngayon. hehe. Next time? ;)
Ganyan itsura namin habang umaakyat sa summit. or worse. hehe :)
I must say na ang favorite part ko ay ang pagbaba ng summit, nung una dinedread ko pa, sobrang hindi ko na maimagine pano bababa. Pero ang saya! Parang nagsaslide ka lang sabay sabunot sa damo, naalala ko yung laro namin nung bata kame sa buhangin kapag may construction sa kapitbahay! hahaha. :) Special thanks to Kuya Jag sa pagdala ng aming backpacks :)
So pagbaba ng summit, pahinga ng konti sa camp, yan yung inakyat namin! Kaloka!
|
*photo by Nicole |
Chill muna sa edge ng bundok
Girls, we did it! :)
Time to go down! :)
Bakas pa rin ang takot. Hahaha.
Dahil wala na akong energy, wala na akong picture nung pababa na kame, akala ko madali na, pero mahirap pa rin with all the aching muscles at kawalan ng inuming tubig. Thanks to Jelly Ace again. hehe.
Habang pababa at nung pagdating sa bahay kung kelan nafifeel ko na lahat ng parte ng katawan ko ay masakit, nasabi ko na ayaw ko na umulit. Pero ngayon, naisip ko na I might consider doing it again in the future. :) Monday after that, I found myself reading different blogs about mountain climbing. Favorite ko yung kay
Rica Peralejo :) Nakakainggit! Gusto ko rin ma-experience mag camp, tapos makikita ko yung sunset and sunrise. Aaaaaah. :) Feeling ko maiiyak ako. hehe :) Na-experience niyo na ba yung pag nakakakita ka ng magandang lugar, especially nature, mapapadasal at mapapa-thank you ka? Ganun! Gusto ko ng ganung feeling. :)
Looking back, may mga take-away din naman ako sa trip na yun, like faith, appreciation sa small and great things at yung feeling na pag may kinaya kang mahirap, feeling mo kaya mo na lahat. Seryoso na to ha. Hehe. I wish magaling akong magsulat para ma-elaborate lahat yun, pero hindi, kaya yun na yun. :)
Looking forward to my 2nd, 3rd, 4th and nth mountain! :)
*Special thanks to Kimmy, Nicole, Rizza, Lore (Happy Birthday), Vince, Arby, Jag and Jon for the great (and funny) company, pictures and for saving my life! :)