I've been failing several tests of patience for the past couple of months. As in yung level ng pasensiya ko sa kalsada, sa driver, sa barker, sa kapwa pasahero, sa guards at sa lahat ng makakasalamuha ko sa kalsada, 6 feet under ground na.
Let me show you my journey twice a day (hindi namin exact na bahay yung point A for safety reasons. hehe)
tricycle - jeep - fx - mrt - jeep - jeep - mrt - fx - jeep - tricycle for the past 5.5 years
Since first year high school (1998) commuter na ako, so for a span of 13 years, nakaipon na ako ng listahan ng lahat ng kinaiinisan ko pag nagcocommute. Yung iba guilty din ako, yung iba, wala naman talaga akong magagawa, arte ko lang. hehe.
Tricycle
- pag hindi pumepreno pag may humps. kahit maliit to, nasasaktan pa rin ako! hahaha
- 13 years na ako sumasakay ng tricycle sa subdivision namin pero hindi pa rin alam yung bahay ko. ang arte ko lang. hahaha ;p
Jeep
- hindi nagte-thank you pag nagpapaabot ng bayad
- nagpapanggap na hindi nakikita pag nagpapaabot ng bayad
- parehas kaming malayo sa driver pero nagpapaabot pa rin ng bayad. hahaha
- pag mag isa ka na lang na pasahero, magca-cut ng trip tapos papalipatin ka ng ibang jeep
- galit sa break fluid
- humihinto sa lahat ng kanto kahit walang pumapara. No choice, naghahanap buhay lang din sila ;) pero nakakainis pa rin minsan. hehe. (applied din to sa bus at fx)
- pag nagyoyosi yung driver tapos may malaking sign sa jeep niya na bawal manigarilyo dito!
- pag may nanlilimos tapos aapakan yung paa mo pag wala kang binigay. (from experience!)
- yung mga barker na pipilitin kang sumakay sa Bagong Silang Maligaya daan e sa Almar Zabarte ka naman pupunta. Marami nito sa SM Fairview. hehehe
- yung mga barker na nagsa-side comment pag lalampasan mo yung jeep sa Buendia na 2 na lang ang kulang
- pag malapit nang makatawid ng intersection yung jeep niyo tapos biglang nag red light
- pag dinededma yung pag-para mo sa kanto kasi ayaw nilang maabutan ng red light
Bus. Wala akong gusto na kahit ano sa kahit anong bus ride. Hatest mode of transportation ever. Hatest kinds of drivers ever. ;)
Special Mention: Manrose Bus, kung sino man ang nagdesign ng upuan ng Manrose, natry mo na umupo dun ng dalawang oras na parang naka 80degrees yung angle ng katawan mo? hehe
MRT.
- Siksikan. No choice. lahat tayo nagmamadali at naghahanap buhay ;)
- Skipping trains. Palagi na lang biktima ang Quezon Ave. Paasa kayo e. hehehe ;p
- Yung mga sumasalubong sa lumalabas. Pero in fairness sa Quezon ave at Ortigas, ilang beses ko na nakikita na nakapila yung mga sumasakay ng train. It's about time Pilipinas! :)
- Yung mga pasaherong ginagawang sandalan yung hand bars. Nabili mo 'te? Bawal kami humawak? hehe.
- Yung mga guards na taga tusok ng bag papasok. Mas gusto ko pa amuyin ng bomb sniffing dogs yung shoulder bag ko kesa sayangin oras ko sa ginagawa nila. Again, no choice. Ginagawa lang din nila trabaho nila. hehe :)
- Sa single na escalator: pag nagmamadali ka, gumamit ka ng hagdan :)
- Sa double na escalator: kung tamad ka maglakad, wag ka humarang sa gitna :)
- Yung mga humihinto at nagbebeso sa mismong dulo ng escalator. Namaaan!
- Pag nakatayo ka, tapos bumaba yung nasa tapat mong nakaupo, tapos yung katabi niya biglang uurong sa tapat mo. Kairitaaaa! hahahaha
FX
- Yung mga buff guys na nakikipagsiksikan sa gitna ng fx. Mga kuya, alam kong parehas lang tayo nagbabayad, pero maawa naman kayo sa mga payatot na walang habas niyong sinasandalan. :)
- Yung pang apat na sasakay sa gitna tapos ipipilit pa rin niyang sumandal kahit hindi na kasya.
- Pag maluwag pa sa gitna tapos mag isa lang ako sa harap tapos dun ka pa uupo. haha, arte ko lang ;)
- Pag wala pang panukli tapos hindi man lang magsasabi ng "sandali lang ang sukli"
- Yung pawisin na didikit sa balikat mo! Eeeeew ;p
- Yung mga kumakain ng shawarma sa loob ng fx.
- Pag malakas ang boses na nagkukwentuhan at nagtatawanan, tapos galing ako sa night shift
- Ibang items sa jeep.
Yun lang bow. :)
No comments:
Post a Comment