Tuesday, November 29, 2011

Commuter's Pet Peeves

I promise that I'll try my best to keep this blog from whining and negative vibes, pero palampasin niyo na to ;) I just feel that writing this down will help me overcome most of my pet peeves while on the road to and from the office, which is (3 to 4)x5 hours of my entire week. :)

I've been failing several tests of patience for the past couple of months. As in yung level ng pasensiya ko sa kalsada, sa driver, sa barker, sa kapwa pasahero, sa guards at sa lahat ng makakasalamuha ko sa kalsada, 6 feet under ground na.

Let me show you my journey twice a day (hindi namin exact na bahay yung point A for safety reasons. hehe)



tricycle - jeep - fx - mrt - jeep - jeep - mrt - fx - jeep - tricycle for the past 5.5 years

Since first year high school (1998) commuter na ako, so for a span of 13 years, nakaipon na ako ng listahan ng lahat ng kinaiinisan ko pag nagcocommute. Yung iba guilty din ako, yung iba, wala naman talaga akong magagawa, arte ko lang. hehe.

Tricycle

  1. pag hindi pumepreno pag may humps. kahit maliit to, nasasaktan pa rin ako! hahaha
  2. 13 years na ako sumasakay ng tricycle sa subdivision namin pero hindi pa rin alam yung bahay ko. ang arte ko lang. hahaha ;p
Jeep
  1. hindi nagte-thank you pag nagpapaabot ng bayad
  2. nagpapanggap na hindi nakikita pag nagpapaabot ng bayad
  3. parehas kaming malayo sa driver pero nagpapaabot pa rin ng bayad. hahaha
  4. pag mag isa ka na lang na pasahero, magca-cut ng trip tapos papalipatin ka ng ibang jeep
  5. galit sa break fluid
  6. humihinto sa lahat ng kanto kahit walang pumapara. No choice, naghahanap buhay lang din sila ;) pero nakakainis pa rin minsan. hehe. (applied din to sa bus at fx)
  7. pag nagyoyosi yung driver tapos may malaking sign sa jeep niya na bawal manigarilyo dito!
  8. pag may nanlilimos tapos aapakan yung paa mo pag wala kang binigay. (from experience!)
  9. yung mga barker na pipilitin kang sumakay sa Bagong Silang Maligaya daan e sa Almar Zabarte ka naman pupunta. Marami nito sa SM Fairview. hehehe
  10. yung mga barker na nagsa-side comment pag lalampasan mo yung jeep sa Buendia na 2 na lang ang kulang
  11. pag malapit nang makatawid ng intersection yung jeep niyo tapos biglang nag red light
  12. pag dinededma yung pag-para mo sa kanto kasi ayaw nilang maabutan ng red light
Bus. Wala akong gusto na kahit ano sa kahit anong bus ride. Hatest mode of transportation ever. Hatest kinds of drivers ever. ;)

Special Mention: Manrose Bus, kung sino man ang nagdesign ng upuan ng Manrose, natry mo na umupo dun ng dalawang oras na parang naka 80degrees yung angle ng katawan mo? hehe

MRT.
  1. Siksikan. No choice. lahat tayo nagmamadali at naghahanap buhay ;)
  2. Skipping trains. Palagi na lang biktima ang Quezon Ave. Paasa kayo e. hehehe ;p
  3. Yung mga sumasalubong sa lumalabas. Pero in fairness sa Quezon ave at Ortigas, ilang beses ko na nakikita na nakapila yung mga sumasakay ng train. It's about time Pilipinas! :)
  4. Yung mga pasaherong ginagawang sandalan yung hand bars. Nabili mo 'te? Bawal kami humawak? hehe.
  5. Yung mga guards na taga tusok ng bag papasok. Mas gusto ko pa amuyin ng bomb sniffing dogs yung shoulder bag ko kesa sayangin oras ko sa ginagawa nila. Again, no choice. Ginagawa lang din nila trabaho nila. hehe :)
  6. Sa single na escalator: pag nagmamadali ka, gumamit ka ng hagdan :)
  7. Sa double na escalator: kung tamad ka maglakad, wag ka humarang sa gitna :)
  8. Yung mga humihinto at nagbebeso sa mismong dulo ng escalator. Namaaan!
  9. Pag nakatayo ka, tapos bumaba yung nasa tapat mong nakaupo, tapos yung katabi niya biglang uurong sa tapat mo. Kairitaaaa! hahahaha
FX
  1. Yung mga buff guys na nakikipagsiksikan sa gitna ng fx. Mga kuya, alam kong parehas lang tayo nagbabayad, pero maawa naman kayo sa mga payatot na walang habas niyong sinasandalan. :)
  2. Yung pang apat na sasakay sa gitna tapos ipipilit pa rin niyang sumandal kahit hindi na kasya.
  3. Pag maluwag pa sa gitna tapos mag isa lang ako sa harap tapos dun ka pa uupo. haha, arte ko lang ;)
  4. Pag wala pang panukli tapos hindi man lang magsasabi ng "sandali lang ang sukli"
  5. Yung pawisin na didikit sa balikat mo! Eeeeew ;p
  6. Yung mga kumakain ng shawarma sa loob ng fx.
  7. Pag malakas ang boses na nagkukwentuhan at nagtatawanan, tapos galing ako sa night shift
  8. Ibang items sa jeep.
Yun lang bow. :)

I Miss Organizing Events

I'm a frustrated events organizer. I love the kind of stress it gives me. The planning from scratch to the sense of fulfillment and everything in between. I did not have any event organizing stint this year, which made me miss it so much. Kaya ako aligaga e.

It all started in college when I was sort of a politiko. hahaha. =)

UP School of Statistics Student Council 04-05
aaaaw....

UP Statistical Society BOD 05-06






THE Anniv. Week
Yung mga panahon na usong-uso ang wake me up when September ends :)

Stat-is-Eeks! 2005
Huling hirit :)

Symposium

Back in Equitable PCI Bank days, I also co-organized our department's Christmas Party where I was one of the hosts too! I hosted in front of the VPs! Buti na lang pinoy silang lahat, so ok lang ang kalyeng hosting! hahaha :) I'll try to look for pictures :)

Sa SCB... hmmm busy ako nun e. hahaha :) But I really wanted to be a part of the Employee Development Club back then. kaso wiz. hehe :)

This one's my favorite. The best "summer" trip ever :) There's nothing wrong with the picture. The white dots are not noise, souls or whatsoever. Ulan yan ;p

Fontana 2009

In 2009, I co-organized 3 Christmas Parties! :)

With my loves :)

Laiya Batangas 2009
with my teamfriends :)

Business Analytics Christmas Party 2009

with IHG's Admin Department :)


at ito na yung last.


Medyo hardcore nung college (tipong, ayoko na mag-aral, mag-o-officer na lang ako! hahaha) tapos puro Christmas parties and outings na lang nung working girl na. Mahirap or madali, it doesn't matter, basta trip ko lang mag organize :)

I'm doing my "30 things to do before 30 list" in my mind and organizing a wedding is one of them. As in one of the top! Pwedeng wedding ko, or wedding ng ibang tao. hehe. pero more likely yung latter. hehe :)

And probably, when I retire from office work at maging butihing maybahay na lang, gusto ko magtayo ng parlor, at maging events organizer! :)

Can anybody give me something to do that is non-work related? hehe :) 

Sunday, November 27, 2011

Live. Love. Laugh. Jump!

The first and only GIF image I made in my entire life featuring my friends jumping in Balai sa Laiya Batangas





I've mastered taking good jump shot photos using a reliable SLR. On normal lighting turn mo lang sa TV priority, 1/100 na shutter speed, half press mo muna, bilang ng 1-2-3 jump, tas pag nasa ere na sila saka mo i-shoot! Or kung hindi ka talaga magaling tsumempo, mag continuous shot ka na lang, ewan ko lang kung wala ka pa rin makuha ;)

Ang dami dami kong jump shots. I don't mind doing it but I hate looking at the finished product. I don't know, pano nagagawa ng mga tao magmukha pa rin normal ang facial expression habang nasa ere? Hindi ko talaga kaya! Hahaha. My friends can attest how unflattering my facial expressions are in my jump shots. Parang hirap na hirap! I won't show pictures. Sorry. hahaha :) 

This is supposed to be a serious post but I think I should gather my thoughts muna :) I have many realizations lately pero kasing gulo pa sila ng political situation ng Pilipinas.

Bow. :)

P.S. hindi nagwowork yung gif pag ni-resize ko yung image. so bare with the lampas. i hateet. hehe :)

Saturday, November 26, 2011

Prinsesa at Potograpiya

Meet my priceless possession and loyal travel buddy, Camahalan, born October 23, 2009. Gender: becky :)


At ito na (approximately) ang aming napagdaanan together: 28,976 pictures in almost 150 events/destinations. :)


Out of those numbers, mga 1/5 solo pictures ko, more than half group pictures na kasama pa rin ako the rest mga random shots na patapon, hehe, pero kung gagawa ako ng wall na punong puno ng pictures na proud akong i-display, isasama ko ang mga to :)

"Why would I ruin the petals of a flower when I knew from the start the he loves me not?" Charot! ;)
Laiya, Batangas; December, 2009


Pinoy Santa Claus; December, 2009


Tanten; December, 2009


Pasyon; April 2010


Pinatubo; March 2010


It's time every Juan flies; Cagayan de Oro; May 2010


Tabinging Isla; Camiguin; May 2010


Tsinelas; UP Diliman; January 2011



♪♫ And all of my wishes will come true ♪♫
Magic Kingdom, November 2010




Boracay Sunset; January 2011


New York City Skyline; February 2011



Oble sa Dapithapon; May 2011


Goodbye, Brooklyn; February 2011



I swear I'm going to have a wall full of sakura images in this lifetime <3

Kema Sakuranomiya Park; April 2011



Kyoto; April 2011



Photowalks :)

Gwen; August 2011


Rizza; August 2011


Kim; January 2011


Haduken; Intramuros; August 2011



Proud Moments <3

White Water Rafting; Cagayan de Oro; May 2010



Ariel's Point; Aklan; January 2011



Helmet Diving; Boracay; January 2011



Giddy Happy Moments

Fake Snow; Stone Mountain; February 2011


Dear New York, this. is. so. sweet. of. you <3
February 2011


Pink World!
Osaka, Japan; April 2011



Reunions :)

Washington, DC with Nina :)
November 2010


Osaka, Japan with Tita Vangie :)
April 2011


Oahu, Hawaii with Tita Mae :)
September 2011


With the people I love :)






Friday, November 25, 2011

Ang Pagdadalaga ni Kring at Cess sa IHG

Na senti lang ako while doing this collage and was quite amazed how time flies sooo fast. 2 years and 9 months in IHG. :)

I miss the 29th floor room and pantry :(




Thursday, November 24, 2011

New Yooooork!

1st thing that comes to your mind when you hear the word USA? New York! No questions asked. haha. I still remember how giddy I was while planning for this side trip (actually, extra lang talaga yung DC e. hehe) As in kilig talaga! Kung uso pa ang walkman or cd player, wala! gasgas na ang "Empire State of Mind" sa cd or cassette tape sa kakaulit ko sa kanya buong byahe ko everyday for a week!

Takot akong mawala so nag Google Maps muna ako kung saan ako baba, sasakay ng bus and all.


Actual. eeeeeeeeee ang lamiiiiiig! Tsaka literal ang concrete jungle! Natakot ako sa dami ng tao. Para akong promdi na naka-coat at scarf at may dalang backpack at luggage na naglalakad sa nth Avenue and nth street. haha.



FL-NY-DC then NY again :)



November 25, 2010, Thanksgiving Day and 26th Wedding Anniversary of my parents. Oo na, pinagpalit ko na sila para sa trip na to. Hehe :) We were running late for our Statue of Liberty tour, tapos may sumabog na aerosol sa train! FDNY came to the rescue in no time! Amazing!


Ferry ride to see Lady Liberty!


Ayan naaaa! Panira lang ang gloomy sky.



Failed jumping again ;)


Now, these pictures make me miss my friend. New York version :)




Parang Milan! :)


Pretzel, Tour Bus and Ground Zero


NFFs :)


My favorite Brooklyn Bridge! Yes, it's drizzling. Basa na si Camahalan.


Mga Asyanong walang pakialam sa ambon, makapagpa picture lang. hehe :)


Grand Central Station


Day off ni Inday sa Central Park ;)



En route to Times Square. Ang lamig! Bad trip ang ulan. :(


Ito na ang totoong New York! Times Square Part 1 of 3 :)



Pagod!


Thanksgiving Dinner with Pinoys in NY! :)


Alone time in NY for the last day of my US adventure. At dahil nalampasan ko ang masalimuot na NY subway, feeling ko master commuter na talaga ako! haha. Thus the line "If I can make it here, I can make it anywhere" :)


from Brooklyn to Manhattan. :)


Silip sa Empire State Building


Time Square part 2 of 3!




When you're alone with a huge cam, the easiest part of your body that you can shoot is your...


Vanity Pictures :)


Find someone with SLR para medyo matino din yung picture :)


Habang nag eenjoy ako, kinakabahan na ata yung kaibigan ko sa Brooklyn na baka nawala na ako, haha :)


 Aaaaaw last night :(


And this ends my 15-day US Adventure :)