Saturday, June 12, 2010

Last 2 Weeks

hindi ako writer kaya kwento ko na lang in bullets ;)
- CDO White Water Rafting: i can't help but smile every time i see our pictures sa rapids! i'm a no adventurous person, pero after trying it, natuwa ako sa feeling ng pag conquer ng fear! sa adrenalin rush! masaya pala! try ko ang space shuttle next time. :)


- HPV Vaccine: First shot down! 2 to go! grabe masakit siya i swear!!!

Tuesday, June 8, 2010

First Day High

mabilis na kwento lang about my first day in class. Yehes nag-e-MS na ako!!! Tinapos ko lang ang quick discussion with our visitor sa office tapos sibat na ako agad. Nagpaalam pa 'ko sa officemates with my big backpack on! feeling student talaga!!! hehehe.

4PM ako umalis para mag attempt magbayad. but no. almost 5:30 na ako nakarating ng UP at hanggang 4:30 lang ang bayaran. very good! kailangan ko pa tuloy dumaan sa UP tomorrow to pay and finish my medical exam. and can i just rant one more time? ang effort mag MRT ng ganong oras ah!!! nakalimutan ko na ang feeling umuwi ng rush hour! mega siksikan sa mrt!!! lalo ko tuloy na-appreciate ang flexi time at ang night shift sched next week para di ko na ulit ma-experience ang hassle sa pag-commute with everyone!

ay wait, kailangan ko to i-share, dumaan ako ng SM Hypermart to buy a notebook and a pen. panic buying defined. hehe. and i loooooooooove it, HOT PINK notebook na may print na LIVE! i love it! :)

tambay muna sa stat lib while waiting for my first class. na-announce pa tuloy na hindi pa ako bayad kase hinanapan ako ng id. hahaha. grabe ang feeling! parang freshie talaga, tapos nostalgic nung nasa lib ako, naalala ko ang student assistant days ko habang iniintay ang mga master students na umalis ng lib para makapagsara na kame ni Sir Jaime. ngayon ako na ang tambay! hehe.

anyway, 2 consecutive classes TTh, 6-9PM with Sir Rey Rey. Sabak na agad kanina! Nabigla ako! hehe, pero in fairness, nung nakita ko ang symbols ng Omega, For All, There Exist, Probability of, Random Variable etc. etc. napapangiti ako! naalala ko pa sila! at yes, namiss ko ang stat. haha. Kaso mej na-lost ako sa isang lesson. tinanong ko naman yung katabi ko na itago na natin sa pangalang "Jane" nagets niya raw. pero nung inexplain niya saken, biglang hindi na niya gets. wahahaha. winner talaga my friend!!!

mega sumakit ulo at daliri ko after class. hehe. di na kasi ako sanay magsulat ng marami. sana hindi na ganito ang feeling after sa next days. pagdating ko ng bahay, naka 2 1/2 cup of rice, 1/4 kilo of tocino with toyo and kamias na sawsawan ang naubos ko. saraaaap!!! :)

eeeeeeeee!!! yun lang bow.

Wednesday, May 26, 2010

I have a problem

i complain about simple stuff but tend to keep quiet about worth complaining situations. aaaargh!!! calling positive vibes!!!

isa pa... i miss my long hair.

Tuesday, May 11, 2010

Choices

Yesterday, I had to choose between a long time dream and a place I just come to love :) And for me, it's not about taking the better option, it's about being happy and at peace with the choice I made :)

Thursday, May 6, 2010

Weird Feeling

Princess Ramirez isang mahaba at malakas na... haaaaaaaaay...


i just needed to release a big SIGH. i have a weird feeling today, di ko alam kung tungkol saan! haaaaaaaaaay... tinatamad tuloy akong pumasok. hehehe

I love this statement...

"Hindi tayo ginising ni God ngayong araw para sumimangot"

enough of the weird feelings! i'll just seize this day. :)

Tuesday, May 4, 2010

...

Dear Lord,
You know that I always count my blessings. But I have one more favor... :) please please paki-batukan po ako ng malakas every time I compare myself with others. :) Thank You! Amen. :)

Saturday, May 1, 2010

Bitter Playlist


I only have 6 songs in my playlist at home.
1. Stranded - Jennifer Paige
2. I'll Never Get Over You Getting Over Me - Expose
3. Stay (I Missed You) - Lisa Loeb
4. The Man Who Can't Be Moved - The Script
5. Insensitive - Jann Arden
6. You're In Love - Wilson Philips

5 of them came from the "Art of Letting Go" album and yung isa naman, ganun din ang theme. #4 and #6 are two of my favorite songs now. e bakit nga ba bitter? hindi naman ako broken-hearted. wala lang, ang sarap lang nila kantahin. parang felt na felt kahit walang pinang gagalingan. hehehe. :)

look what i found in youtube... hihihi ;)



May na!!!

and in few days, I will be 25 na. mid-20's na ako!!! excited na ako sa coming year!!! i have a strong feeling that this year will be a very special chapter of my life!!! yikes baduy! haha, pero seriously, excited na ako :)

Sunday, April 25, 2010

This would've been my blog entry last April 19, 2010

"di ko ma-explain kung ga'no ko kasaya! naiiyak ako, pero ayaw lumabas ng luha. hehehe, frieeeeend!!!" that was what i told my dear friend while we were holding hands and jumping like complete idiots in the middle of RCBC lobby. i pretended na hindi ko pa naabsorb yung good news when my boss told me that i got the job, kase hindi bagay saken ma-touch at mag-drama. hehehe ;)

a couple of days before that, kabang kaba pa ako, kase the moment i decided to apply, i knew that the only thing i have is guts. yes, may konting skills pero nangangalawang na ata. i don't want to sound nega, because i am definitely not one, pero may konting nerbyos din ako sa katawan. ;)

and now, i feel nothing but happiness and gratitude. :)

to be honest, i still don't have a clear picture of what's ahead of me after this. but i'm excited. :)

Saturday, April 24, 2010

1st Real Post

i watched this video earlier today, got really inspired about life and decided to relive my blog.


"if you lead your life the right way, the karma will take care of itself, if you live properly, your dreams will come to you" - Randy Pausch

:)